Dumagundong ang buong court matapos manalo ng Miami Heat laban sa powerhouse team na Phoenix Suns sa score na 113-112.
Nagpakawala ang center ng Heat na si Bam Adebayo ng 30 points, 10 rebounds kabilang na rito ang dalawang napakahalagang free throws sa huling 35 seconds ng laro.
Habang naging nag-ambag din ng malaking papel ang All-Star na si Jimmy Butler matapos masupalpal niya ang tira sa huling sandali ni Devin Booker.
Sumablay ang Phoenix sa tatlong shots na maari sanang makapagpanalo sa kanila sa huling minuto.
Nasayang din ang naitalang score ni Booker na umabot ng 25 points, 8 rebounds at 5 assists sa all-around game.
Samantala nagtapos naman si Butler ng kabuuang 16 points, 13 rebounds at 7 assists para sa ikapitong panalo ng Miami.
Natuwa naman ang kanilang Filipino-American coach na si Erik Spoelstra at sinabing si Adebayo at Butler ang “foundational heartbeat pieces” ng kanilang koponan.