Bumida sa huling sandali si Jimmy Butler bago tuluyang malusutan ang Charlotte Hornets, 111-107 sa dalawang overtime.
Noong unang sandali ng laro ay inalat si Butler pero sa huli ay gumana rin ang kanyang buwenas nang maipasok ang tira sa higit isang minuto ang nalalabi sa second overtime upang mamayani sa laro bago ang All-Star break.
Bago ito ay abanse ang Miami ng 107-102 matapos maipasok ni Butler ang kanyang tira.
Gayunman sinagot ito ni Miles Bridges ng 3-pointer para sa Hornets.
Pero gumana rin si Kyle Lowry sa kanyang two points sa kabila na may 21.1-second na marka ang nalalabi na siyang naging susi rin para panalo ng Heat.
Naging malaki naman ang ambag nina Lowry na umiskor ng 25 points, Duncan Robinson may 21 points at sina P.J. Tucker, Bam Adebayo at Butler ay nagtapos sa tig-15 points.
Mula naman sa bench si Omer Yurtseven ay nagpakita ng 10 points.
Sa panig ng Hornets nagpakawala si Bridges ng 29 points at si Montrezl Harrell ay meron namang 24.
Ang kanilang point guard at unang magiging All-Star na si LaMelo Ball ay umeksena sa 14 points, 14 assists at 10 rebounds sa triple double performance.
Sa ngayon hawak pa rin ng Heat ang top spot sa Eastern Conference na may 38-21 record kasama ang Bulls.
Ang Hornets naman ay may kartada na 29-31.