Nanatiling nakakapit ang Miami Heat sa pang-anim na puwesto sa Eastern Conference playoff race matapos na talunin ang Boston Celtics, 130-124.
Nanguna sa team si Jimmy Butler na nagtala ng 26 points at 11 assists para sa kanilang ika-37 panalo ngayong season.
Doble kayod din ang ginawa nina Duncan Robinson na may 22 points at si Bam Adebayo na nagtapos sa 20 puntos.
Dahil dito ang Miami ay umabanse pa ng dalawang games sa Boston (35-33) para sa huling puwesto sa playoffs.
Muling maghaharap ang dalawang teams sa Miyerkules sa kanilang nalalabing harapan.
Nasa tatlong talo na ang tinanggap ng Celtics sa kanilang huling apat na laro upang pilitang ‘wag silang masadlak sa play-in round.
Umangat naman sa laro ng Boston si Evan Fournier na may 30 points habang sina Jayson Tatum ay nagpakita ng 29 points at si Kemba Walker ay nagtapos sa 18.
Malas pa rin ang Boston dahil ikatlong beses na ngayon na hindi pa rin nakakabalik sa game si All-Star Jaylen Brown bunsod ng sprained right ankle.