-- Advertisements --
image 141

Tuluyan nang tinapos ng Miami Heat ang laban nila ng New York Knicks sa Game 6, matapos nilang talunin ang huli sa score na 96 – 92

Naging aggresibo ang Knicks sa unang kwarter ng laro at lumamang ng pitong puntos laban sa Miami. Ngunit sa pagpasok ng 2nd quarter, agad bumawi ang Heat sa pamamagitan ng 27 points kumpara sa 19 points lamang na naipasok ng Knicks.

Mula dito, hindi na hinayaan pa ng Heat na makalamang ang Knicks hanggang sa huling bahagi ng laro.

Isang minuto bago matapos ang laro, nagawa ng Knicks na makalapit sa Miami ng hanggang sa dalawang puntos ngunit agad ding nakalayo ang Miami sa pamamagitan ng dalawang free throw ni Jimmy Butler.

Naging susi pa rin sa panalo ng Miami ang kanilang Star player na si Jimmy Butler sa kanyang 24 points 8 rebound, 4 assists performance, habang 23 points at 9 rebounds naman ang naging kontribusyon ni Bam Adebayo.

Mistulang binuhat naman ni Jalen Brunson ang buong Knicks sa kanyang 41 big points at 4 rebounds. Habang ang Star player ng Knicks na si Juluis Randle ay nalimitahan lamang sa 15 points at 11 rebounds.

Ang pag-usad ng Miami sa Eastern Finals ay ang ikalawang beses na sa ilalim ni Butler. Una noong 2020 kung saan ay umusad pa sila sa Championship ngunit tinalo rin kinalaunan ng Los Angeles Lakers.

Makakalaban naman ng Miami ang mamanalong team sa pagitan ng Philadelphia 76ers at Boston Celtics.