Tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority na magiging pest free ang NAIA Terminal 3.
Kung maaalala, nag trending muli ang naturang paliparan matapos na mamataan ang tatlong daga na pagala-gala dito.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Atty. Chris Bendijo, sunod-sunod na ang isinasagawang trapping sa mga daga ng Pest Control personnel sa nasabing pasilidad.
Layon nito na mahuli ang lahat ng mga peste sa NAIA terminal 3.
Ikinatuwa naman ng MIAA ang aksyon na ito ng kanilang service provider na Pest Control Services.
Kung maaalala, sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na kanilang sisilipin ang kontrata ng service provider.
Layon nitong matukoy kung ganap nilang nagagampanan ang kanilang tungkulin para panatilihing malinis ang mga pasilidad ng NAIA.
Ikinadismaya rn nito ang mga ulat hinggil sa mga ipis, surot at daga na namataan sa nasabing paliparan.