-- Advertisements --
Pinuri ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga airline companies sa bansa dahil sa nagtala ang mga ito ng On Time Performance sa katatapos na Holy Week exodus.
Sinabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong , na walang naitalang mga flight cancellatios sa nagdaang Miyerkules at Huwebes Santo.
Maging ang mga paliparan ay hindi nagkaroon ng congestion sa mga pasahero na nagtungo sa ibang bansa noong Semana Santa.
Isa aniya sa ipinagmalaki ni Chiong ay ang naging maayos ang sistema na kanilang ipinatupad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).










