Naghahanda na ang Manila International Airport Authority (MIAA) at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagdami ng pasahero mula sa huling bahagi ng Oktubre hanggang sa unang bahagi ng Nobyembre dahil sa papalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) at Undas.
Sinabi ni MIAA officer-in-charge Bryan Co, na daily passenger traffic sa panahong ito ay maaaring lumampas sa 130,000, na hihigitan ang average numbers noong nakaraang taon na 94,000 na mga pasahero araw-araw at kabuuang 945,156 para sa buong 2022 Undas season. Noong 2019, mayroong average na 129,000 na pasahero araw-araw, na umabot sa kabuuang season na 1,427,805.
Hinimok ng MIAA ang mga manlalakbay na planuhin nang mabuti ang kanilang mga biyahe at dumating sa paliparan tatlong oras bago ang international flight at dalawang oras bago ang domestic flight.
Inihayag din ni CAAP spokesman Eric Apolonio, na Inihahanda din ng ahensya ang kanilang 42 paliparan sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga bumibiyahe.