-- Advertisements --
image 153

Pormal nang itinalaga bilang bagong commander ng AFP Western Mindanao Command si dating Philippine Army Vice Commander MGen Steve Crespillo.

Ito ay matapos ang isinagawang Change of Command Ceremony sa Headquarters ng Western Mindanao Command sa Camp Navarro, Zamboanga City sa pangunguna ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Kaugnay nito ay nagpahayag ng pasasalamat si MGen. Crespillo sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataon na pamunuan ang WesMinCom kasabay ng pagtiyak na sisikapin niyang gawin ang lahat upang magampanan ang kaniyang bagong misyon.

Kung maaalala, pinalitan ni MGen Crespillo si LtGen Roy Galido na kasalukuyan na ngayong nanunungkulan bilang ika-66 na Commanding General ng Philippine Army.

Si Crespillo ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class of 1990.