-- Advertisements --
Nagkamit ng silver medals sa World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia ang mga wushu athletes ng bansa na sin Agatha Wong at Clemente Tabugara.
Nagtala ng 19.486 points si Wong sa womens’ Taou Tajiquan at Taijijian category.
Nanguna sa nasabing torneo si Hu Shuting ng China.
Tila nakabawi si Wong noong nagdaang Southeast Asian Games na nagtapos lamang siya sa pang-pitong puwesto.
Sa panig naman ni Tagubara ay nabigo ito sa kamay ni Elsayed Mohsen ng Egypt sa men’s 65-kilogram finale.
Bronze naman ang naiuwi ng mga Pinoy wushu na sina Jones Llabres at Thornton Sayan.