-- Advertisements --
Nasa mahigit 200 elepante at zebra ang namatay sa Kenya dahil sa nararanasang malawakang tag-tuyot.
Ito na ang tinaguriang pinakamalalang tag-tuyo na naranasan sa loob ng apat na dekada.
Ayon kay Tourism Minister Peninah Malonza, na ang tag-tuyo ay labis na nakaapekto sa maraming mga wildlife animals.
Tumaas pa lalo ang nasabing mga nasasawing hayop dahil sa kawalan ng pagkukuhanan ng pagkain at tubig.
Mula aniya noong Pebrero at Oktubre ay mayroong 205 elepante, 512 gnus, 381 zebras, 12 giraffes at 51 buffalo ang namatay na.
Labis na naapektuhan ang mga elepante sa Amboseli at Lakipia-Samburu regions dahil sa tagtuyot.
Noong nakaraang taon kasi ay mayroong 36,000 elepante ang populasyon ng bansa.