-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na aalisin na sa mga susunod na buwan ang quarantine requirement para sa mga turistang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Sa katunayan, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na sa ngayon ay tinitingnan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad na gawin ito.

Kamakailan lang ay pinayagan na ng pamahalaan ang pagbiyahe mula sa mga lugar na sakop sa NCR Plus papuntang mga lugar na nasa ilalim naman ng general community quarantine at modified GCQ.

Dipende na sa mga local government units ng mga tourist destinations ang restrictions na kanilang ipapatupad.

Sa ngayon, karamihan sa mga lugar na ito ay humihingi ng negative RT-PCR test result bago papayagang makapasok ang mga turista.