Bicol tourist spot
-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kasabay ng tila papalapit nang tag-init, buhos na rin ang mga turista sa ilang tourist destination sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Department of Tourism (DOT)-Bicol Director Fe Buela, ito’y kahit tanging mga tourist attraction pa lamang ng Legazpi City, Naga City at Caramoan, Camarines Sur ang binuksan na.

Subalit inaasahan na rin ngayong buwan ang pagdagdag ng ilan pang tourist destination kung handa na ang stakeholders at local government units.

Tiyak aniyang mauuna ang mga beach resort sa dadayuhin ng mga turista sa panahon ng tag-init.

Dahil dito, todo na ang pag-orient ng tanggapan sa mga management ng mga beach resort para sa mga patakaran laban sa hindi pa natatapos na coronavirus.

-- Advertisement --

Kabilang na rito ang pagpapatupad ng mga health and hygiene measures sa mga turista kahit pa niluwagan na ng Inter-Agency Task Force ang travel restrictions.