-- Advertisements --

Taiwan visa free entry
FILE PHOTO: Travelers arrive at the airport as the Taiwanese government announced a ban for most foreigners entering the island, as part of preventive measures against coronavirus disease (COVID-19), at Taoyuan International airport in Taoyuan, Taiwan, March 18, 2020. REUTERS/Ann Wang/File Photo

Todo ngayon ang paghimok ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga travelers na papuntang Pilipinas na mag-register para sa eArrival Card 72 oras bago ang pagbisita ng mga ito dito sa Pilipinas.

Sinabi ni BOQ deputy director Dr. Robert Salvador, ito ay para maiwasan daw ang mga problema sa internet connection at ang posibilidad na magkaroon ng congestion sa mga paliparan.

Ang mga bigong mag-register naman ay puwedeng mag-register na sa eArrival Cards kapag nakarating na sa bansa.

Ayon sa opisyal, mayroon naman daw silang dinelegate na staff na tutulong sa kanilang mag-accomplish pagdating sa Pilipinas.

Iginiit ni Salvador na ang aplikasyon para sa eArrival Card bilang kapalit ng One Health Pass ay libre lamang sa official website na onehealthpass.com.ph.

Samantala, sa ngayon nasa 18,000 travelers daw ang dumadating sa bansa sa araw-araw at asahan pang tataas ito sa mga susunod na araw.

Ang mga fully-vaccinated travelers o individuals na vaccinated laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mayroon nang first at second doses ay hindi na kailangang magprisinta ng antigen o RT-PCR test.

Ang mga indibidwal namang partially vaccinated o unvaccinated ay dapat magpa-PCRT test muna sa loob ng 24 oras bago dumating sa Pilipinas.