Puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng mga transport terminal sa bansa ngayong nalalapit na ang paggunita sa Semana Santa sa susunod na linggo.
Ito ay sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong mga pasahero sa mga terminal, paliparan, at mga pantalan na mag sasamantalahin sa Holy Break para makapagbakasyon sa mga probinsya.
Ayon kay Manila International Airport Authority Public Affairs Department officer-in-charge Connie Bungag, kaugnay nito ay nakipagpulong na aniya sila sa mga terminal manager ng mga paliparan sa bansa upang tiyakin na hand ang lahat ng mga airlines sa pagdagsa ng mga pasahero.
Sa kabila naman ng mga isyu ng mga peste umano sa Ninoy Aquino International Airport ay tiniyak naman ng pamunuan nito na sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginagawang pagpapaigting pa sa kanilang mga ipinapatupad na pest control measures sa kanilang paliparan.
Samantala, magtatalaga naman ng mga tatlong ticketing zone ang Philippine Ports Authority para sa mga pasahero sa mga pantalan habang magkakaroon din ng dalawang e-transporter vehicles para naman sa mga persons with disabilities, buntis, at mga senior citizens.
Ayon naman sa Toll Regulatory Board, mañana tiling Naka bukas ang mga Expressway mula Marso 24 hanggang Marso 31.
Habang ang inabisuhan naman ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange ang kanilang mga pasahero na mag-advancement booking ng kanilang mga ticket via online o walk-in sa mga ticketing booths ng kanilang terminal.
Kaugnay nito ay kasalukuyan pa rin namang hinihintay ng PITX ang magiging kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para naman sa planong pag-aalok ng special trips sa mga provincial busses para tugunan ang inaasahang pagdagsa ng maraming mga pasahero sa naturang Terminal.