-- Advertisements --

Pumalo na sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang iaalok sa idaraos na nationwide job fairs ngayong araw, June 12, na nakatakdang ganapin ang main event sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa 149, 102 ang bilang ng mga job opportunity sa bansa mula sa 1,160 nakiisang mga employers sa bansa.

Ayon sa kagawaran, 111, 351 sa mga ito ay pawang mga local employment tulad ng mga trabahong production operator, customer service representative, microfinance officer/loan officer, sewing mechanic, karpintero, at iba pa.

Habang ang iba naman ay foreign-based na mga kumpanyang mula sa United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Kuwait, Singapore, Taiwan, Japan, Germany, United Kingdom, at Australia na mga nurse,factory worker, household service workers, karpintero, electrician/mason, at cleaner.

Kabilang din sa mga nangungunang industriyang makikita sa naturang nationwide job fair ay ang mga manufacturing industry, business processing outsourcing, financial activities, at construction.

Samantala, makikiisa rin sa naturang aktibidad ang ilan sa mga sangay ng pamahalaan tulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Statistics Authority (PSA).

Kung saan jail officer, police officer, enforcement officer, chemist, researcher, attorney III, geologist II, at revenue officer naman ang mayroong job vacancies.