-- Advertisements --

Pinaburan ng mga iba’t-ibang telecommunications companies sa bansa sa planong pagpapalawig ng SIM registration deadlines.

Kasunod ito sa unang pahayag ng National Telecommunication Commission sa posibilidad ng pagpapalawig ng SIM registration.

Magtatapos na kasi sa Abril 26 ang nasabing deadlines na nagsimula noong Disyembre.

SA kasalukuyan ay mayroong mahigit 42 milyon na mga sim cards ang nairehistro na .

Ang nasabing bilang ay katumbas lamang ng 25.24 percent ng mahigit 168.9 milyon ng kabuuang active users.