Sa gitna ng matinding init na lumalagpas sa 40°C, napilitan ang mga taxi driver sa lungsod ng Kandahar, Afghanistan na gumawa ng mga improvised air coolers gamit ang lumang bariles at tubo para labanan ang matinding init sa kanilang mga sasakyan.
Mas epektibo pa umano ang gawang bahay na cooler kaysa sa built-in air conditioning system ng mga sasakyan. Ipinakita pa ng mga ito ang paglagay niya ng exhaust vent gamit ang sticky tape at ang pagkabit ng unit sa bubong ng kanilang taxi.
Aminado naman ang mga ito na kailangang manu-manong lagyan ng tubig ang unit dalawang beses sa isang araw para lumamig ito.
Kilala bilang isa sa mga mahihirap na bansa sa mundo ang Afghanistan na lubhang apektado ng climate change. Ayon sa mga ulat, inaasahang lalong titindi pa ang init sa mga darating na linggo.
Gayunpaman, suparto naman ng mga pasehero ang ginawang inovative ng mga driver.
Batay sa UN Food and Agriculture Organization, nakaranas ang Afghanistan ng pinakamainit na tagsibol ngayong taon at kasalukuyang dumaranas ng malawakang tagtuyot na sumisira sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa kabila ng matinding epekto ng climate change, hindi nakakasama ang Afghanistan sa mga talakayan sa UN ukol sa klima mula nang bawiin ng Taliban ang kapangyarihan noong 2021.









