Sumailalim sa random drug testing ang lahat ng miyembro ng Manila Police District kabilang ang mga non-uniform personnel nito
Ginawa ang naturang aktibidad sa MPD headquarters sa Ermita, Manila.
Ayon sa pamunuan ng Manila Police District, ito na ang ikalawang araw ng drug testing sa kanilang mga hanay.
Ang naturang aktibidad ay maaaring magpatuloy o umabot pa sa Lunes, Enero 22, para sa mga tauhan na hindi nasuri dahil sa ilang kadahilanan.
Ito ay alinsunod pa rin sa sa direktiba at programa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Layon nito na matukoy kung sino sa hanay o miyembro ng MPD ang gumagamit ng ilegal na droga .
Sinabi naman ni MPD chief Col. Arnold Thomas Ibay na ang mga miyembrong mapapatunayang positibo sa paggamit ng droga ay tatanggalin sa serbisyo ng pulisya.
Sinabi ni Ibay na ilang linggo lang ang itatagal bago ilabas ang resulta ng drug test.