Buo ang suporta ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa panukalang lifestyle check sa mga tauhan maging ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Kasunod na rin ito ng mungkahi ni Sen. Riza Hontiveros sa gitna ng nabunyag na “‘pastillas scheme” o pagtanggap ng suhol ng ilang tauhan at opisyal ng BI kapalit ng pag-escort sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers na makapasok sa bansa.
Ayon sa kalihim, gaya ng ginagawang lifestyle check sa mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC) ay naratapat lang na magkaroon din nito ang BI lalo na sa mga napagsususpetsahang sangkot sa katiwalian.
Pero aminado naman ang kalihim na hindi lang sa lifestyle check dapat natatapos ang pagsilip sa katiwalian ng isang kawani o opisyal ng pamahalaan at dahil hindi raw ito conclusive bagkus ay nagpapakita lamang ng posibleng pagkakamali ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.