-- Advertisements --
Lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto na ang taong may uring blood type O ay maaaring maging mas mababa umano ang posibilidad na mahawaan siya ng COVID-19 infection.
Ngunit, nilinaw naman na kinakailangan pa rin ang karagdagang pag-aaral sa kanilang natuklasan.
Nangangailangan pa rin sila ng karagdagang ebidensiya sa maaaring papel ng nasabing blood type kung paano nito nalalabanan ang deadly virus.
Hindi pa kasi malinaw at mas maraming pananaliksik ang kinakailangan upang masabi kung ano ang mga implikasyon nito para sa mga pasyente.
Una nang lumabas sa pag-aaral ng mga Canadian researchers na sa loob ng 7,422 pasyente na nagpositibo sa virus, nasa 38.4 percent lang ay blood Type O.