-- Advertisements --

May ilang abogado at dating opisyal ng gobyerno na humihiling na makisali sa petisyon sa Supreme Court na kumukuwestiyon sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa mga petitioner sina One Bangsamoro Movement national president Maulana Balangi at dating CHED Commissioner Ronald Adamat, na iginiit na apektado ang constitutional rights ng publiko sa naturang kaso. Giit nila, inaabuso umano ng Kamara ang kapangyarihan sa impeachment at ginagawa itong “political harassment.”

Tinuligsa rin nila ang mga subpoena at tinawag itong “fishing expedition,” habang iginiit naman ng ilang miyembro ng House justice committee na bahagi lamang ito ng regular na proseso at hindi umano mini-trial. Ayon sa kanila, sinusunod ng Kamara ang due process sa ilalim ng Konstitusyon.

Patuloy namang pinagdedebatehan ang isyu habang nakatakdang ipagpatuloy ang pagdinig sa susunod na linggo, kung saan inaasahan din ang pagharap ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng hiwalay na imbestigasyon. (report by Bombo Jai)