Muling nagtungo sa harapan ng International Criminal Court (ICC) ang mga supporter ni dating Pang. Rodrigo Duterte upang ipakita ang kanilang suporta sa naka-deteneng pangulo.
Bitbit muli ng mga ito ang mga tarpaulin kung saan nakasulat ang kanilang apela para mapabalik na sa bansa ang dating pangulo.
Nakasulat din sa ibang tarpaulin ang pasasalamat sa mga nagawa ng dating pangulo noong kaniyang administrasyon.
Ilang mga Pilipino rin ang nagdala ng bandila ng Pilipinas at
Ang ilan sa kanila ay nagmula pa sa United Kingdom, Switzerland, Germany, atbpang European countries.
Muli ring hinikayat ng mga ito ang dating pangulo na lumabat lang sa kabila ng kaniyang pagkaka-detene at nakatakdang mahaba-habang paglilitis sa kaniya ng international court.