Sumailalim sa random drug test ang mahigit isandaang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WesMinCom).
Ayon kay WesMinCom Commander Major General Steve Crespillo, ito ay upang makamit nila ang drug free na military organization, na isa sa mga hinahangad ng buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Kabuuang 134 na sundalo aniya ang sumailim sa biglaang drug test at lahat ng mga ito ay nagnegatibo sa resulta ng kanilang test.
Ipinagmalaki naman ni Gen Crespillo ang naging resulta ngdrug test sa mga kasundaluhan sa Mindanao at tiniyak sa publiko na gagawin muli nila ang naturang test sa mga susunod pang pagkakataon.
Ayon kay Gen Crespillo, mahalaga na matiyak na hindi gumagamit ng iligal na droga ang mga sundalo at iba pang law enforcement officers sa buong bansa upang mapanatili ang mataas na antas ng propesyunalismo.
Nangangahulugan din ito aniya ng mataas na disiplina sa hanay ng mga kasundaluhan.
Siniguro naman ng heneral na magpapatuloy ang suporta ng AFP sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.