-- Advertisements --

Papapanagutin umano ang sinumang military personnel na tatangging magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo na parte ng kanilang tungkulin na magpabakuna laban sa nakamamatay na virus dahil kinokonsidera ang mga sundalo bilang frontliners na humaharap sa mga tao araw-araw.

Ang pagbabakuna aniya ay upang maiwasang tamaan ng COVID-19 ang sinumang miyembro ng AFP.

Umaasa naman si Arevalo na hindi na dadating pa sa punto na kailangang may maparusahan para lamang pumayag na magpabakuna.

Posibleng sampahan ng kaso ang military personnel na hindi magpapabakuna dahil sa paglabag sa Articles of War 105 kung saan nakasaad dito ang listahan ng disciplinary powers ng commanding officer.

Nakalagay din dito na ang commander officer ng anumang military unit ay maaaring magpataw ng disciplinary punishments sa kaniyang tauhan dahil sa minor offenses na hindi na kinakailangan pang dumaan sa court martial.

Una nang inatasan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang 120,000-strong AFP personnel sa buong bansa na magpabakuna ng CoronaVac, na dinevelop ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech.