ILOILO CITY- Nagdiwang ng noche buena sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng Ilolilo ang mga na stranded na pasahero.
Ito ay kasunod ng pagsailalim sa signal No. 3 sa Northern Iloilo habang signal No. 2 naman sa lungsod ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Chief Petty Officer Albino Rodriguez, deputy station commander ng Philippine Coast Guard, sinabi nito na sa kabuuan, umaabot na sa mahigit 1,000 ang stranded na mga pasahero partikular sa Iloilo Fastcraft Terminal sa Progreso Lapuz Iloilo City, Iloilo Ferry Termina sa Fort San Pedro Iloilo City at Roll On Roll Off port sa bayan ng Dumangas Iloilo.
Karamihan sa mga na stranded na mga pasahero ay nagbakasyon lang at nagdiwang ng Christmas party at hindi inasahan na ma stranded sa mga pantalan.
Sa Northern Iloilo naman na signal No. 3 may mga ibang kabahayan na nasira ng malakas na hangin lalo na ang mga nasa tabi ng baybayin.
Mahigpit naman na pinagbawalan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisda na pumalaot upang maiwasan na mapahamak.