-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Ronald dela Rosa na nagbabalik ang mga sindikato ng droga sa bansa.

Sinabi nito na tila naghihigante ang mga sindikato ng droga matapos ang pinalakas na kampanya noog nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihalimbawa ng senador ang pagkakaaresto sa opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA ) at mga tauhan nito ng ilang kilo ng droga sa Taguig.

Hanga naman ang opisyal sa pinaigting na kampanay ng PNP at PDEA laban sa iligal na droga sa bansa.

Hinamon nito ang mga kapulisan at ibang mga otoridad na dapat ay bantayan nilang mabuti ang kanilang mga tao.