-- Advertisements --

Umabot na sa 1,207 ang mga nadamay na sibilyan dahil sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Ayon sa United Nation High Commissioner for Human Rights, kinabibilangan ito ng 406 katao ang nasawi at 801 ang nasugatan bukod pa sa isang mamamahayag ang nasawi.

Karamihan sa mga nasugatan ay dahil sa airstrikes at pambobomba.

Nagtala rin ang UN ng maraming mga gusali ang nasira dahil sa nasabing pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Base rin sa talaan ng UN na mayroong 12,700 na mga katao ang naaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta.