-- Advertisements --

Magandang balita, maliban sa kasalukuyang natatanggap na diskwento ng mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa mga physical stores at iba pang pasilidad, nakatakdang makatanggap din ang mga ito ng discounts at exemption mula sa Value added atx (VAT) sa pagbili ng mga produkto online ngayong ilang presyo ng bilihin ang nagtaas nanaman.

Sa inisyung joint memorandum circular nakasaad na entitled para sa 20% diskwento at 12% VAT-exempt sa kanilang bibilhinh goods anss services at 5% special discount para sa basic necessities at prime commodities.

Kabilang dito ang mga gamot at medical supplies, home health care services, professional fees sa private hospitals, medical facilities, outpatient clinics, medical at dental services, diagnostics at laboratory fees, public transportation fare, services sa hotels, restaurants at recreation centers maging sa mga teatro, cinema at iba pa.

Kailangan na ideclare ng isang indibidwal na siya ay PWD o senior citizen kapag bibili sa online platform at mag-attach ng kopya ng kanilang ID bilang katibayan.