-- Advertisements --
LAOAG CITY – Daan-daang sasakyan ang kinumpiska ng mga otoridad sa bansang Jordan sa gitna ng ipinatutupad ding lockdownd doon dahil sa COVID-19 crisis.
Sa ulat ni Bombo International correspondent Edz Blas na tubong Ilocos Norte, sinabi nito na mahigpit ang pagbabawal ng pamahalaan sa Jordan ng paggamit ng sasakyan hanggang hindi pa tapos ang implementasyon ng lockdown.
Ayon ka Blas, na isa ring overseas worker sa naturang bansa, na tanging mga frontliners lang ang pinapayagang magmaneho.
Pinagbabayad daw ng penalty ang mga nahulihan ng sasakyan para mabawi nila ito matapos ang lockdown.
Sa ngayon, tanging mga pharmacy at groceries na lang daw ang bukas na establisyemento sa Jordan.