-- Advertisements --

Hindi huhulihin ang mga sasakyan na hindi pa rin gumagamit ng radio frequency identification (RFID) tags hanggang Enero 11, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa isang advisory, sinabi ng DOTr na mananatiling bukas 24/7 ang RFID installation sa mga toll lanes at booths hanggang Enero 11 kahit pa ipapatupad na ng lubos ang cashless sytem sa Disyembre.

Pero matapos ang Enero 11, iginiit ng kagawaran na hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane.

Magtatalaga na laman aila ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman ay isang installation tent bago pa pumasok sa toll gate kung saan maaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan.

Ayon sa DOTr, pagsapit ng Disyembre 1 at wala pa ring RFID ang isang sasakyang, sa toll gate mismo kakabitan ito.

May nakaabang na RFID installation lanes sa mga toll gates, ay may mga tauhan ang mga toll operators na tutulong sa pagkabit ng RFID stickers.