-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 15 13 08 18

BUTUAN CITY – Nakumpiska ng tropa ng 23rd Infantry “Masigasig” Battalion, Philippine Army ang mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device (IED) na ibinaon ng pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Maasin, sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur.

Isang alyas Lee, dating rebelde na sumuko sa 23rd IB ang nagbigay ng tip sa lokasyon ng nasabing bomb-making materials na kaagad naman nilang nirespondehan na humantong sa pagkadiskubre sa apat na gallons na may lamang 85 pakete ng ammonium nitrate.

Kagayang ammonium nitrate din ang naging dahilan ng malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon nitong nakaraang linggo.

Screenshot 2020 08 15 13 08 02

Napag-alamang noong Hunyo 23 nitong taon, ang tropa ng 23rd IB ay nakasabat rin ng kabuuang 11 containers ng ammonium nitrate at iba pang bomb making materials sa nasabi ring barangay matapos respondehan ang impormasyon ng isang residente.

Ayon kay alyas Lee, ang nasabing mga containers ay ginagamit na noon ng mga miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad (SRSDG) Sagay, Sub-Regional Committee (SRC) 3, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) kungsaan makagawa ito sa hindi bababa sa 85 mga Anti-Personnel Mines.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Lt. Col. Julius Cesar Paulo, acting commander ng 23rd ang ginawa ng mga residente at mga dating rebelde sa pagbibigay ng positibong impormasyon ukol sa nasabing mga IEDs at explosive materials na tinatago ng mga rebelde.