-- Advertisements --

Iniulat ng mga doktor sa Gaza na maliliit at sakitin ang mga ipinapanganak na mga sanggol doon ayon sa United Nations. 

Ayon kay UN Population Fund representative for the state of Palestine Dominic Allen, hindi na raw makakita ang mga doktor ng “normal-sized babies.” 

“What they do see though, tragically, is more stillborn births… and more neonatal deaths, caused in part by malnutrition, dehydration and complications.”

Lumobo rin ng higit sa dalawang beses ang mga komplikadong panganganak kumpara sa bilang bago magsimula ang giyera laban sa Israel. 

“Those mothers should be wrapping their arms around their children. Those children should not be wrapped in a body bag,” dagdag pa ni Allen. 

Sinabi rin nito na hindi pinayagan ng Israeli authorities ang supply ng UN na makapasok sa Gaza gaya ng kits para sa midwives. 

“It’s a nightmare which is much more than a humanitarian crisis. It is a crisis of humanity… beyond catastrophic.”