-- Advertisements --

Inirekominda ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co sa pamahalaan na ikonsiderang unahin sa COVID-19 vaccination sa 2021 ang iba’t ibang urban areas sa bansa.

Ayon kay Co, kung hindi man sapat ang pondo para sa vaccination ng 109 Pilipino sa 2021 at 2022, mainam aniya na unahin ang ilang milyong residente Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, at iba pang pandemic epicenters. 

Naniniwala si Co na mainam ang hakbang na ito lalo pa at limitado naman ang resources ng pamahalaan sa paglaban kontra COVID-19.

“Defeating COVID-19 in these urban centers might be enough to contain and control the spread of the coronavirus,” ani Co.

Maari naman aniya na pagsapit na ng 2023 hanggang 2025 isasagawa ang vaccination sa iba mamamayan sa bansa.

“The end goal is to vaccinate every Filipino, but that cannot be done in one or two years, so we have to prioritize where we can allocate our resources and where we can produce the most gains against COVID-19,” dagdag pa ni Co.

Nauna nang naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na unahin ang 20 million “poorest of the poor” na mga Pilipino sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine.