-- Advertisements --

Patuloy ang pagbibigay babala ng mga Royal Canadian Mounted Police sa mga residente na maging alerto.

Ito ay matapos na makatanggap sila ng ulat na kanilang namataan ang isang suspek na nasa likod ng malawakang pananaksak na ikinasawi ng 10 katao.

Nananatili kasing pinahahanap ang 30-anyos na suspek na si Myle Sanderson matapos na matagpuang patay ang kapatid nitong isa ring suspek na si Damien Sanderson.

Ito na ang pangatlong araw na nagsasagawa ng paghahanap ang mga kapulisan sa responsable sa pananaksak.

Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na patuloy ang kaniyang pagbabantay sa isinasagawang paghahanap ng mga kapulisan nito.