-- Advertisements --
Inilagay na ng Indonesia sa pinakamataas na alert level matapos ang pagbuga ng abu ng bulkang Semeru.
Bilang paghahanda ay inilikas na nila ang nasa 2,000 mga residente na malapit sa lugar.
Pinayuhan nila ang mga tao na manitili sa 8 kilometers ang layo habang nagiging aktibo ang bulkan.
Ayon sa Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation (PVMBG) ng Indonesia na nararapat lamang na itaas sa hanggang level 4 ang nasabing alert level dahil sa pagbuga ng volcanic ash na sinabayan pa ng pag-ulan.
Matatagpuan ang Mt. Semeru sa East Java na ito ay tinatawag din na “The Great Mountain” na siyang pinakamataas na bulkan sa Java.
Huling naging aktibo ito noong nakaraang taon na ikinasawi ng 50 katao.