DoJ usec. and Spokesman Markk Perete
Matapos aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng reklamo ang mga sangkot sa anomalya na mga opisyal ng Philhealth, inihahanda na ng Department of Justice (DoJ) ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.
Sinabi ni DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete na sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nasa pitong opisyal ng Philhealth ang kanilang sasampahan ng reklamo.
Sinabi ni Perete na tinatapos na lamang nila ang pag-collate sa mga supporting documents para sa pagsasampa ng reklamo.
Pero sinabi ni Perete na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga sasampahan ng reklamo dahil hindi pa naman tapos ang kanilang imbestigasyon.
Ang mga opisyal ay posibleng sampahan ng reklamo sa Ombudsman para sa administrative at criminal complaints, sa prosecutors office naman para sa iba pang kasong kriminal at sa Philhealth para naman sa administrative case.
Ang pagsasampa ng reklamo sa mga tiwaling opisyal ng Philhealth ay dipende sa bigat ng krimeng nagawa ng mga respondent.