-- Advertisements --
PNP 1
PNP

Sang-ayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na dapat lamang maharap sa napakabigat na parusa ang mga pulis na mapatunayang guilty sa pagtatanim ng ebidensiya gaya na lamang ng death penalty.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac na pabor ang PNP sa naging mungkahi ni Senator Panfilo Lacson na muling ipatupad ang death penalty para duon sa mga police officers na mapatunayang guilty sa pagtatanim ng ebidensiya.

“The reimposition of death penalty will maximize the effectiveness of the law that penalizes planting of drug evidence. We agree with Sen. Lacson that planting of evidence deserves the harshest punishment,” mensahe ni BGen. Banac.

Sinabi ni Banac, sa ilalim ng Section 29 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act, ang sinumang indibidwal na guilty sa pagtatanim ng ebidensiya ay mahaharap sa parusang kamatayan.

Pero giit ni Banac na ang nasabing provision ay hindi ipinatupad dahil ang capital punishment ay pinawalang bisa nuong 2006 sa ilalim ng Arroyo administration.