-- Advertisements --

Muling nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga tauhan ng Philippine National Police na pananagutin kapag bigong makadalo sa kanilang kaso laban sa drug suspects kung walang balidong kadahilanan.

Kasabay nito, iminungkahi ni DILG Sec. Benhur Abalos ang pagkakaroon ng online hearing sa mga kaso.

Ito ay para kahit hindi na pumunta ang mga pulis ng personal sa legal proceedings, dahil sa balidong rason.

Aniya, dapat na maingat na mabantayan ng mga awtoridad ang mga laboratory at forensic evidence, upang matiyak ang conviction ng mga drug suspect.

Gumagawa na rin ang DILG ng mga hakbang, upang tugunan ang low conviction rate sa illegal drugs cases sa bansa.

Dagdag niya, na marami ding kaso ang nadi-dismissed dahil sa teknikalidad kabilang ang paghawak ng ebidensiya at kakulangan ng mga testigo.