-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagkahawaan ng COVID-19 ang mga pulis at preso sa Janiuay Municipal Police Station sa bayan ng Janiuay, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Col. Gilbert Gorero, Director ng Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na 10 mga pulis at isang preso sa nasabing istasyon ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Gorero, nasa quarantine facilty na ang nasabing mga COVID-19 positive.

Kinumpirma naman ng opsiyal na ang index case sa nasabing istasyon ay isang pulis na nakatalaga sa border control point kung saan sari-saring mga tao ang kanyang nakakasalamuha araw-araw.