-- Advertisements --

Tiniyak ng bagong Social Welfare secretary na si Rex Gatchalian na hindi mapapabayaan ang kaniyang iniwang distrito sa Valenzuela.

Ito’y matapos niyang tanggapin ang cabinet post bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), makaraang hindi makumpirma ng makapangyarihang Commission on Appontments (CA) ang dati nitong pinuno.

Pansamantalang umakto bilang officer-in-charge ng tanggapan si Usec. Edu Punay mula noong Disyembre 2022 hanggang Enero 2023.

Para kay Gatchalian, ang pondong nakalaan para sa kaniyang iniwang distrito ay nananatiling intact at magagamit para sa mga proyekto ng lungsod.

Hindi naman daw kasi iyon nakalaan para sa kongresista, kundi para sa mismong distrito ng Valenzuela.

Inaasahang magtatalaga ang liderato ng Kamara ng caretaker congressman at kalaunan ay magkakaroon ng special elections.