-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Finance na maisasakatuparan sa itinakdang panahon ang lahat ng mga programa ng gobyerno.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno na naging malaking tulong para maisakatuparan ang proyekto ang maagang pagpasa ng P5.268 trillion na budget ng 2023.

Matitiyak niya na agarang maisasakatuparan ang nasabing mga proyekto dahil sa nasabing pagpasa ng pondo.

Naniniwala din ito na natatapos na rin ang ilang nakabinbin proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) sa loob anim na buwan.