-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ang ilan sa mga pro-democracy politician sa Hong Kong.

Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Danilo Reyes, Overseas Filipino Worker (OFW) sa nabanggit na lugar na taga-General Santos City.

Ayon sa nasabing OFW, kinasuhan ang mga hinuling politiko dahil sa iligal na pagsasagawa ng kilos protesta at riot.

Mayroon aniyang proposal ang National People’s Congress sa China na siyang law making body nito na maghain ng Annex Basic Law kung saan sila ay bubuo ng batas na idadagdag sa basic law na naaprubahan noong 1997 na mayroong kaugnayan sa Security Law.

Ayon pa kay Reyes, ang Hong Kong ay isang Autonomous Region ng China kaya malaki ang galit ng mga tao roon sa Beijing.

Paliwanag pa nito, may sariling batas na sinusunod ang Hong Kong at dahil dito ay muling sumiklab ang kilos-protesta sa lugar upang harangin ang inihain na bagong batas ng China.