LAOAG CITY – Pinabulaanan ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dito sa lungsod ng Laoag ang umano’y sakit sa balat ng mga preso.

Sinabi ni Jail Senior Inspector Rodel Cadpino, Jail Warden ng BJMP Laoag na walang anumang sakit ang mga preso at kung mayroon man ay agad na dadalhin sa ospital para sa check up ngunit kailangan ipaalam ito sa korte.

Ipinaliwanag nito na hindi na kailangang ipaalam sa korte kung ito ay emergency na dapat dalhin na sa ospital.

Dagdag ni Cadpino na maraming gamot na nanggaling sa regional office na handang ibigay sa mga presong nagkakasakit.