-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army na pahirapan na sa mga communist terrorist group leaders ang mamuno sa rebeldeng pangkat batay na rin sa pagsisiwalat ng mga rebel returnee sa Peñablanca Cagayan.

Sa ginanap na punong balitaan sa 5th Infantry Division sa Camp Melchor Dela Cruz,Upi, Gamu, Isabela at iprinisenta ang apat na sumukong rebelde sa 95th Infantry Batallion na mula sa Peñablanca, Cagayan .

Nagdesisyon umanong sumuko ang mga dating rebelde nang makita ang sinapit ng mga dating kasamahan na nahukay ang mga labi sa Maconacon, Isabela.

Hinikayat din ng mga sumukong rebelde ang kanilang mga kasamahan pangunahin na ang apat na kapwa dumagat na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan.

Kabilang sa Kilusang Rehiyon ng Cagayan Valley o mga remnants ng Central front Isabela ang mga sumukong rebelde na nagbitbit ng walong matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Brig. General Laurence Mina, Division Commander ng 5th Infantry Division Philippine Army na maari umanong ang mga leader ngayon ng mga sumukong NPA ay mga matataas na lider mula sa Mindanao dahil batay sa kanilang kumpirmasyon bago sa pandinig nito ang pangalang Ka Jet na tinuturong lider ng mga sumukong rebelde

Dahil dito ay posibleng lumipat na rin sa Lambak ng Cagayan ang mga pinuno ng rebeldeng pangkat na mula sa Mindanao na maaaring resulta ng pagkaipit ng naturang mga rebelde.

Wala namang dapat ikabahala ang mga mamamayan dahil patuloy ang mga sundalo sa pagtugis at pagpapasuko sa mga natitira pang mga rebelde sa kanilang nasasakupan.