-- Advertisements --

Nakahanda na ang ilang mga Pinoy sa Tokyo, Japan sa pagtama ng typhoon Hagibis.

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Bombo International correspondent Lloyd Brian Allequir, ibinahagi nito na sa kasalukuyan ay wala na silang supply ng kuryente at tubig.

Maaga naman anya silang naabisuhan ng gobyerno na mag-imbak ng mga kakailanganin tulad ng tubig at pagkain.

“Marami po akong biniling mga instant noodles. Pinaghahanda po kami dito na kailangan bumili na kami ng maraming tubig, tapos nag-stock na din kami ng tubig dito sa bathtub.”

Dagdag rin nito, maraming mga pamilihan ang sarado na sa kanilang komunidad at marami ang nananatili na lang sa kanilang mga tahanan.