-- Advertisements --

Walang umanong mga Filipino ang nasawi sa nganap na malawakang pagbaha sa South Korea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nakipag-ugnayan na sila asa Philippine Embassy sa South Korea.

Nakabantay din ang DFA sa kalagayan sa nabanggit na bansa lalo na sa Central Seoul.

Mayroon ding mahigpit na koordinasyon ang Philippine Embassy ng South Korea sa mga Filipino community para matiyak ang kanilang kalagayan.

Magugunitang umabot na sa walong katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa South Korea.