-- Advertisements --
image 621

Nag-abiso ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pilipino na iwasan o ipagpaliban muna ang pagtungo sa mga matatao at sensitibong mga lugar hanggang sa katapusan ng Abril dahil sa banta sa seguridad.

Kabilang dito ang mga lugar sa West Bank, Jerusalem partikular sa Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road at mga lugar sa may paligid ng East Jerusalem at sa mga lugar na malapit sa border ng Gaza at Lebanon.

Nagpaalala din ang Embahada sa mga Pilipino na manatiling maingat at mapagmatiyag sa kanilang kapaligiran.

Pinapayuhan din ang mga ito na huwag kumuha ng mga larawan o videos o magtungo malapit sa anumang mga lugar na may insidente ng karahasan at agad na lisanin na lamang ang lugar.

Pinag-iingat din ang mga Pilipino sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

Iwasan na lamang din na lumapit sa Israeli security fores na nakadeploy sa mga sensitibong mga lugar at sumunod sa mga guideline na inisyu ng Israeli security forces at ng Home Front Command.

Ang babala ng Philippine Embassy ay kasunod ng nangyaring insidente ng pamamaril sa may West Bank sa isang mag-asawang Israeli habang lulan ng kanilang sasakyan na ikinasugat naman ng isa sa mga ito kung saan isang Palestinian ang suspek.

Habang malawakang kilos-protesta naman ang inilunsad ng mga Israeli para ipahayag ang kanilang pagtutol matapos na sibakin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu Defense Minister Yoav Gallant nang hikayatin nito ang pagpapatigil ng planong pag-repaso sa judicial system.