-- Advertisements --
Umabot na ng 23.7 milyon o 39.5 percent na Pilipino ang nawalan ng trabaho bunsod ng coronavirus pandemic na pinagdadaanan ng bansa, ayon sa bagong datos ng Social Weather Station (SWS).
Sa national mobile phone survey ng ginawa ng ahensya simula noong Setyembre 17 hanggang 20, nabatid na bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.
Mula sa 45.5 percent o 27.3 milyon noong Hulyo ay bumaba ito sa 39.5 percent o 23.7 milyon noong nakaraang buwan.
Binubuo ang mga ito ng mga indibidwal na nagboluntaryong umalis sa kanilang mga trabaho, naghahanap ng hanapbuhay sa unang pagkakataon at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Napag-alaman din sa nasabing survey na 14 percent o 2 sa 5 empleyado ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemic.