LAOAG CITY – Pinagbawalan gumamit ng malaking bag ang mga Pilipinong napiling makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia bukas, Oktubre 5, ganap na alas-11:00 ng gabi oras sa Pilipinas.

Ito ay ayon kay Miss Ystiel Mina, taga-Ilocos Sur pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Russia at isa sa mga napiling makipagpulong kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Mina na dapat maliit na bag lamang ang kanilang gamitin, naka-silent mode ang kanilang cellphone at iwasang magdala ng anumang bagay na puwedeng maging sanhi ng ingay.

Dagdag niya na dapat dalhin din nila ang kanilang original passport at ang registration number para makapasok sa venue.

Samantala, kinumpirma ni Mina na masama ang loob ng mga Pilipinong hindi napili na makipagpulong kay Pangulong Duterte.

Aniya, may mga nagsasabi pa na “unfair’ daw ang pagpili ng embahada.