-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahan ngayon ang pagdagsa ng mga Pinoy sa Canada kasunod nang anunsyo na mangangailangan sila ng limang million na manggagawa sa susunod na limang taon.

Ayon sa report ni Bombo international correspondent Vincent John Lozada, direkta sa Canada, mayroong labor shortage matapos naglipatan ang mga manggagawa sa malalaking lungsod para sa mas malaking sahod dahil na rin sa pagbaba ng ekonomiya sa nakaraang 10 taon.

Anya, pumasok ang Pilipinas sa bilateral agreement sa iba’t ibang lalawigan sa Canada kagaya ng Ontario, Quebec, Alberta

Nagbigay na rin umano ng pahintulot ang Ottawa upang tumanggap ng pansamantalang foreign workers hanggang 2024 lalo na ang mga Pilipino na bihasa sa pagsasalita sa lengwahe na English.

Hindi na rin anya kailangan ng placement fee ayon sa Philippine Overseas Employment Agency ng mga manggagawa kapag mag-apply ang mga ito sa accredited licensed recruitment agencies.